Ang buwan ng Mayo ay idineklara bilang Buwan ng Magsasaka at Mangingisda (Farmer’s and Fisherfolks’ Month) sa bisa ng Presidential Proclamation No. 33, Series of 1989. Ang tema ngayong taon ay “Kagitingan ng Mangingisdang Pilipino, sa Bagong Pilipinas, ipagdiwang natin ito!”, isang pagpapahalaga sa kanilang dedikasyon, tapang, at husay sa kanilang trabaho, na naglilingkod hindi lamang sa kanilang mga pamilya kundi pati na rin sa pagtiyak ng seguridad ng pagkain ng bansa.

#BFARBikol

#BuwanNgMagsasakaAtMangingisda2024

#TagapagtayguyodNgMalinisAtMasaganangKaragatan