Ang BFAR Bikol ay nagpapaalala na ang pufferfish o botete/tikong at goby fish o biya/mulog ay mga isdang nagtataglay ng LASON kaya hindi ito nararapat na kainin. Ang lason na ito ay tinatawag na TETRODOTOXIN at nakakapagpabara sa mga ugat at nakakaparalisa ng mga kalamnan.

Base sa Fisheries Administrative Order No. 249 na ipinalabas ng Department of Agriculture noong taong 2014, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta at pagkain ng pufferfish (botete/tikong) kasama na ang goby fish (biya/mulog) upang maprotektahan ang mga mamamayan sa pagkalason.

TANDAAN:

❌Walang antidote o gamot sa lasong ito.

❌Hindi natatanggal ang lason sa pamamagitan ng paglinis o pagluto ng mga isdang nabanggit

Pahalagahan natin ang ating buhay at kaligtasan. Sumunod sa mga paalala ng mga eksperto at awtoridad.

#BawalKumainNgBoteteTikongBiya

#pufferfish

#gobyfish