Nakatanggap ng fuel subsidy assistance ang kabuuang 3,952 na kwalipikadong mangingisda sa Bicol mula Enero hanggang Marso ngayong taon, na may kabuuang halagang ₱11.856 milyon.
 
Sa nasabing bilang, 810 benepisyaryo ay mula sa Albay, 847 sa Camarines Norte, 1,282 sa Camarines Sur, 240 sa Catanduanes, 545 sa Masbate, at 228 sa Sorsogon. Bawat isa ay tumanggap ng fuel subsidy card na nagkakahalaga ng ₱3,000.
 
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng Fuel Subsidy Program for Fisherfolk, at bunga ng pagtutulungan ng DA-BFAR at ng mga Lokal na Pamahalaan. Layunin ng programa na maibsan ang gastusin ng mga mangingisda sa gasolina o krudo na ginagamit sa kanilang mga de-motor na bangka, gayundin ang mapanatili at masuportahan ang kanilang kabuhayan.
 
Samantala, nagpapatuloy ang implementasyon ng programa sa pamamagitan ng Know-Your-Client (KYC), isang digital na prosesong isinasagawa ng Universal Storefront Services Corporation (USSC), katuwang ng BFAR at mga LGU, sa pamamahagi ng fuel subsidy cards para sa beripikasyon ng pagkakakilanlan ng mga benepisyaryo.
Views: 4