Naging makahulugan ang pagdiriwang ng pagtatapos ng National Women’s Month sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office V (BFAR) sa pamamagitan ng isinagawang Alagang Juana: Women’s Wellness Day para sa mga kababaihang empleyado noong Marso 30, 2026.
Bilang bahagi ng culminating activity, inilunsad ang wellness day na naglalayong bigyang-pansin ang kapakanan ng mga kababaihang kawani na araw-araw na humaharap sa iba’t ibang tungkulin at responsibilidad sa trabaho at tahanan.
Nagkaroon ng libreng massage session para sa mga empleyado na pinangunahan ng mga volunteer therapists mula sa Bicol Academy of Health and Technical Vocational Skills Inc. na naghandog ng kanilang serbisyo bilang suporta sa programa.
Binigyang-diin ng BFAR 5 Gender and Development Focal Point System (GAD FPS) na mahalaga ang mga ganitong inisyatiba upang maisulong ang self-care at work-life balance ng mga empleyado, lalo na ng mga kababaihan. Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at kaisipan ay susi sa mas epektibo at produktibong pagganap sa trabaho.
Sa pamamagitan ng Alagang Juana, muling pinagtibay ng ahensya ang pagpapahalaga sa kababaihan bilang mahalagang bahagi ng organisasyon, at ang patuloy na pagsusulong ng kanilang kapakanan hindi lamang tuwing Women’s Month kundi sa pang-araw-araw na serbisyo.
Views: 4














