ICYMI | Pinalakas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa pamamagitan ng programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL), ang kakayahan ng mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng isang capacity building activity na ginanap sa Barangay Sog-od, Baleno, Masbate noong Abril 22, 2026.
Layunin ng BASIL Program na muling pasiglahin ang mga ilog at lawa sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng aquatic ecosystem, pagpapataas ng produksyon ng isda, at pagtataguyod ng sustenableng pangingisda, habang sabay na nagbubukas ng mga oportunidad sa kabuhayan para sa mga komunidad.
Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad ang Lagta-Sog-ong Farmers Irrigators Association Inc., na sumailalim sa mga pagsasanay hinggil sa aquaculture, konserbasyon ng likas na yaman, at financial literacy.
Pinangunahan ng Regional BASIL Coordinators, Provincial Fisheries Office, at Lokal na Pamahalaan ng Baleno ang oryentasyon, kung saan aktibo ring nakibahagi ang mga miyembro sa Fish N Learn session na nakatuon sa wastong pamamahala ng pondo, mula sa pagba-budget hanggang sa monitoring at evaluation.
Bilang bahagi ng pagpapatuloy ng programa, napagkasunduan din ang pagsasagawa ng 10-araw na Habitat Restoration sa ikalawang linggo ng Mayo 2026 upang higit pang palakasin ang rehabilitasyon ng yamang tubig at ang partisipasyon ng komunidad sa pangangalaga nito.

Views: 14
