𝐁𝐅𝐀𝐑, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐍𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐒𝐐𝐔𝐈𝐃 𝐉𝐈𝐆𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆𝐈𝐒𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐓𝐀𝐍𝐃𝐔𝐀𝐍𝐄𝐒
Isinagawa noong Abril 22 hanggang 23, 2026 sa San Andres, Pandan, Catanduanes ang pagsasanay tungkol sa paggawa ng squid jigger, pati na rin sa tamang pag-aani at pagbebenta ng pusit.
Dinaluhan ito ng 22 mangingisda mula sa iba’t ibang samahan sa lugar, na layong mapahusay ang kanilang kaalaman sa episyente at responsableng pangingisda.
Tinalakay sa pagsasanay ang biology of squid, Organizational development, Code of Conduct for Responsible Fisheries, at wastong operasyon ng squid jigging.
Nagkaroon din ng financial literacy session sa pamamagitan ng “Fish N Learn Game” upang maturuan ang mga kalahok sa tamang paghawak ng kita at pag-iimpok.
Bilang bahagi ng praktikal na pagsasanay, pumalaot ang mga mangingisda upang subukan ang kanilang ginawang squid jigger at aktwal na paggamit nito sa pangingisda.
Samantala, tumanggap ang bawat kalahok ng tig-iisang squid jigger bilang suporta sa kanilang kabuhayan.
Ayon sa BFAR Bicol, layunin ng aktibidad na palakasin ang sektor ng pangisdaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman, kasanayan, at kagamitan sa mga mangingisda. | via Rosie Nieva
Source/Photo Courtesy: BFAR Bicol
Views: 10