Isinagawa noong Abril 23, 2026 ang pamamahagi ng mga farm implements para sa seaweeds farming sa Tamban Port bilang bahagi ng patuloy na suporta sa mga lokal na seaweed farmer sa bayan ng Lagonoy Camarines Sur. Ang naturang aktibidad ay naglalayong mapalakas ang produksiyon ng seaweeds at mapabuti ang kabuhayan ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang kagamitan sa kanilang operasyon.
Isang (1) unit o katumbas ng tatlong sako ang ipinamahagi sa bawat benepisyaryo, habang ang isang People’s Organization (PO) ay tumanggap ng kabuuang labinlimang (15) unit. Kabilang sa mga tumanggap ng nasabing tulong ang San Isidro Farmer and Fisherfolks Association (SIFIFA) at ang Sta. Cruz Farmer and Fisherfolks Association (SAFAFA).
Sa kabuuan, umabot sa 35 unit o katumbas ng 105 sako ng mga kagamitan ang naipamahagi sa mga benepisyaryo na nagkakahalaga ng Php 905,450.
Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito ay higit pang mapapaunlad ang industriya ng seaweeds sa Lagonoy at makatutulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga mangingisda at seaweed farmer sa lugar.

Views: 12
