π—₯π—˜π—›π—”π—•π—œπ—Ÿπ—œπ—§π—”π—¦π—¬π—’π—‘ π—‘π—š π— π—šπ—” π—•π—”π—¦π—œπ—Ÿ π— π—”π—‘π—”π—šπ—˜π— π—˜π—‘π—§ 𝗔π—₯π—˜π—” 𝗦𝗔 π—–π—”π—§π—”π—‘π——π—¨π—”π—‘π—˜π—¦, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—œπ—  π—‘π—š 𝗕𝗙𝗔π—₯ 𝗔𝗧 π——π—’π—Ÿπ—˜-𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Patuloy na pinagtitibay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa pamamagitan ng Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) Program, at ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang pagtutulungan sa rehabilitasyon ng mga inland water bodies sa lalawigan ng Catanduanes sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.
 
Pinangunahan ng BFAR Provincial Fisheries Office (PFO) ng Catanduanes ang implementasyon ng programa sa loob ng 30 araw, na nakatuon sa rehabilitasyon at pagpapanatili ng mga dating BASIL Management Areas.
 
Lumahok sa programa ang limang (5) partner associations mula sa mga bayan ng Caramoran, Virac, Pandan, at Viga. Bilang paghahanda, isinagawa noong Hunyo 4–5, 2026 ang orientation sa TUPAD Program at re-orientation sa BASIL Program upang higit na mapalalim ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa kanilang mga tungkulin, wastong implementasyon ng programa, at pangangalaga at pamamahala ng mga anyong-tubig.
 
Bilang bahagi ng implementasyon, nagsagawa noong Hunyo 18–19, 2026 ng monitoring ang mga kinatawan ng BFAR-PFO Catanduanes at DOLE sa limang (5) samahan upang suriin ang progreso ng rehabilitasyon, tiyakin ang pagsunod sa itinakdang work plan, beripikahin ang pagdalo ng mga benepisyaryo, at magbigay ng kinakailangang teknikal na gabay. Sa kabuuan, 111 benepisyaryo mula sa limang (5) samahan ang makatatanggap ng kabuuang β‚±1,515,150.00 sa ilalim ng TUPAD Program. Bawat benepisyaryo ay tatanggap ng β‚±13,650.00 bilang sahod at kaukulang benepisyo alinsunod sa mga umiiral na panuntunan ng DOLE.
 
Ipinakikita ng programang ito ang patuloy na pagtutulungan ng BFAR at DOLE sa pagpapanumbalik ng kalusugan ng mga ilog at lawa, habang sabay na lumilikha ng pansamantalang kabuhayan para sa mga komunidad. Higit sa lahat, pinagtitibay nito ang pagsusulong ng sustenableng pangangalaga, konserbasyon, at pamamahala ng yamang pangisdaan sa lalawigan ng Catanduanes.
✍️Ma. Dhalia Taopo | Jackielyn Buban
Views: 5