#Testimonials || Ibinahagi ni Lara Jean Mago, Science Research Analyst, BFAR 5, na nakatulong ang training sa pagpapalawak at pagpapaunlad ng kanyang kaalaman sa pagkilala ng mga isda, na magagamit din niya sa pagtuturo sa ibang fish enumerator. Aniya, naging mahalagang karanasan ang mga praktikal na pagsasanay, na hindi niya naranasan sa kanyang Ichthyology class. Ipinahayag din niya ang pagnanais na mas marami pang katulad na pagsasanay ang maibigay upang mas maraming kawani ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan sa naturang paksa.

 
Hango mula sa mga salitang “fisheries” at “eskwela,” ang pagsasanay na ito ang kauna-unahang 𝘍𝘪𝘴𝘩𝘒𝘸𝘦𝘭𝘢 program na isinagawa eksklusibo para sa mga kawani ng BFAR. Bilang research arm ng BFAR, ang NFRDI ay may mandatong magsagawa ng mga pagsasanay at capacity-building initiatives na nagtataguyod ng epektibong aplikasyon at paggamit ng agham at teknolohiya sa pangisdaan.
.
.
.
Views: 36