
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐ ๐ฎ๐ต๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฃ๐ต๐ฝ ๐ฎ๐ฑ.๐ฏ๐ ๐ง๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐๐๐ฎ๐น, ๐ก๐ฎ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ญ๐ฌ,๐ฌ๐ฌ๐ฌ ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ฐ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐๐น๐ฎ๐น๐ถ๐บ ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐๐๐ฃ
Kabuuang 10,897 kwalipikadong mangingisda sa ibaโt ibang lalawigan ng Bicol Region ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Bicol sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk (PAFFP), na may kabuuang halagang Php 25,335,525.00 as of June 28, 2026.
Kabilang sa pinakahuling naipamahaging tulong ang payout na isinagawa mula June 22โ28, 2026 para sa mga kwalipikadong mangingisda sa lalawigan ng Catanduanes at Sorsogon.
Sa Catanduanes, kabuuang 1,987 benepisyaryo ang nakatanggap ng cash assistance na nagkakahalaga ng Php 4,619,775.00. Kabilang dito ang 113 mangingisda mula sa Baras, 195 mula sa Bato, 356 mula sa Caramoran, 192 mula sa Pandan, 665 mula sa San Andres, 96 mula sa Viga, at 370 mula sa Virac.
Samantala, sa Lalawigan ng Sorsogon, umabot naman sa 1,898 kwalipikadong mangingisda ang nabigyan ng tulong pinansyal na may kabuuang halaga na Php 4,412,850.00. Kabilang sa mga benepisyaryo ang 500 mula sa Castilla, 829 mula sa Sorsogon City, 190 mula sa Donsol, 217 mula sa Magallanes, at 162 mula sa Pilar.
Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng PAFFP na naglalayong magbigay ng agarang suporta sa mga mangingisda upang makatulong sa pagpapatuloy ng kanilang kabuhayan at pagtugon sa mga hamong kinakaharap ng sektor ng pangisdaan.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang payout sa mga lalawigan ng Bicol.
Views: 5
