Sharing from BFAR 5 Dive Team
𝐕𝐈𝐃𝐄𝐎 𝐇𝐈𝐆𝐇𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒| 𝐊𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐡𝐮𝐫𝐚 𝐚𝐭 𝐄𝐤𝐨𝐬𝐢𝐬𝐭𝐞𝐦𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐛𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐂𝐚𝐭𝐛𝐮𝐫𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐅𝐢𝐬𝐡 𝐒𝐚𝐧𝐜𝐭𝐮𝐚𝐫𝐲 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞 (𝐅𝐒𝐌𝐑)!
Ang Lungsod ng Ligao ay may tatlong (3) baybaying barangay, at bawat isa ay may itinatag na Marine Protected Area (MPA). Bukod sa Maonon Fish Sanctuary and Marine Reserve (FSMR), kabilang din sa mga ito ang Cabarian at Catburawan FSMR, na naitatag noong 2008 at 2012, ayon sa pagkakasunod.
Saklaw ng dalawang MPA ang humigit-kumulang 37.71 ektarya at 54 ektarya ng Fish Sanctuary sa Cabarian at Catburawan, gayundin ang 31.15 ektarya ng Marine Reserve sa Cabarian. Patuloy na pinangangalagaan at binabantayan ang mga lugar na ito sa pamamagitan ng masigasig na pagpapatrolya ng mga Bantay Dagat, epektibong pagpapatupad ng mga batas at regulasyon, at aktibong pakikilahok ng lokal na komunidad sa pangangalaga ng yamang-dagat.
-𝐴𝑛𝑔 𝑏𝑖𝑑𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑦 𝑘𝑢ℎ𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑖𝑛𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑐𝑜𝑟𝑎𝑙 𝑟𝑒𝑒𝑓 𝑚𝑜𝑛𝑖𝑡𝑜𝑟𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑔 𝐵𝐹𝐴𝑅 𝑅𝑒𝑔𝑖𝑜𝑛 5 𝐷𝐼𝑉𝐸 𝑇𝑒𝑎𝑚 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑛𝑒 𝑃𝑟𝑜𝑡𝑒𝑐𝑡𝑒𝑑 𝐴𝑟𝑒𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝐿𝑢𝑛𝑔𝑠𝑜𝑑 𝑛𝑔 𝐿𝑖𝑔𝑎𝑜, 𝐴𝑙𝑏𝑎𝑦 𝑛𝑜𝑜𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑦𝑜 19–22, 2026-
Jenny Maria Elois
Views: 57